1st Verse — Mikekosa
Parehas sipag at edad, lalo pang dumadagdag
Dumidistansya ng ilang dipa kapag kumakaldag
Pinapaos, pero kahit kailan di kinakapos
Sa kahit na ano pa mang era ay laging tumatagos
Kapasidad, akala mo bata, hindi hinahapo
Paano mo pa mapapasuko kung kabisado ang laro
At di nagsasayang ng oras, ayaw mabalagong
Walang respetong natanggap kung tumandang paurong
Mga tumandang umaasa, pag si Batman ang bahala
Sila 'tong nakakaawa na palaging talunan
Pag sagad ka na sa gulang, di magawang buyuan
Kung wala kang pakinabang ay dapat kang layuan
Napakaraming mga kwento, sarap naibahagi
Ipakalat sa pasilyo at palibot ng gusali
At umeedad na di nakukupasan ng galing
Habang sila'y lumalangoy kasama ng mga pating
Chorus — Smugglaz
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano'n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko'y nagsisimula pa lang lahat
2nd Verse — Jskeelz
Kahit malayo na pero malayo pa
Ramdam ko minsan, may oras na napapagod na
Pero 'di dahilan ang edad para tumamlay
Dahil habang tumatagal ay mas marami ang nagaantay
Mga tengang nakabantay sa bawat ilalabas
Mga palakpakan na mas lalo pang lumalakas
Kahit masikip na ang landas papunta sa taas
Lakad pa rin ay pasugod at 'di pwedeng umatras
'Di ko hinangad muling sumabog at bumenta
Humabol sa mga bago sa tunog ng kanilang meta
Ang tunay na pagkatao ko'y tumatak na sa mga tenga
Pag Roberto ang umareglo, ang mensahe ay direkta
Kahit pugad ng kalaban, sinubukan kong dumapo
Mga sugat ang sukatan sa tinakbo ko na malayo
Magpahinga ay posible pero huminto, malabo
Edad lang ang dumagdag pero skills ay 'di na maglalaho
Chorus — Smugglaz
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano'n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko'y nagsisimula pa lang lahat
3rd Verse — Loonie
Di tumatanda, parang bokalista ng Chicosci
Istilo ay naka-upgrade, updated bawat kilobyte
Kasi "Dito sa Maynila," sila nag-reunite
Tito Mike, Tito J, andito rin pati si Tito Bry
Triple OG classic, parang AF1 na triple white
Lalabas kami sa feed mo kahit na hindi mo type
Mapa-FB, IG, YouTube, Kumu man o Bigo Live
Kahit saan ako ay may fan na parang Jisulife
Hindi umeedad, Peter Pan and the Lost Boys
Mas matagal, mas mataas ang halaga, na parang Rolls-Royce
Pabata nang pabata, parang pormahan ni Boss Toys
Bogznoit na naman kasi sinolo yung crossjoint
Lalong tumatagal, mas lalong tumatalim
Mas lalo lamang tumatalas at mas gumagaling
Mas tumataas ang antas ng kaya pang gawin
Sapagkat kalabaw lang ang tumatanda, 'di ang mga kambing
Chorus — Smugglaz
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano'n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko'y nagsisimula pa lang lahat
Sample comments about this video
"BATA PALANG AKO LOONIE NA IDOL KO NGAYON TATLO NA ANAK KO IKAW PADIN IDOL KO KUYA MARLON!! 🤟"
"Grabe sulatan ni loons layo Ng agwat sa iba multisyllabic rhyme scheme tas bars ..."
"Kaya nga binansagang HARI NG TUGMA!! 🎉 grabe yon idol LOOONS!🎉❤"
"Ganito gumawa ng rap hindi yung "lola ko patay na di naging paru - paro" Pweeeee"
"Mike Kosa. Ito talaga yung Mike Kosa nung highschool ako. Ang tinde!!"
"MGA ALAMATTT!!! 🤯🔥 KALABAW LANG ANG TUMATANDA HINDI ANG MGA 🐐"
"Grabeng collab ‘to!!! Sarap panuorin at lalo na pakinggan!! Eto yung musika na panalo tayong lahat!!!! 💯🔥🙌"
"Mga rapper na advance ang mga lyrics at 🐐 ng freestyle rap sa Pinas 💯"
"Goosebumps sa mga idol❤❤ 187mob x Loonie salute parehas sa mga idol 🫡🫡🫡🫡🔥🔥"
"heavy weight division masyado tong kantang to! all in one mga idol ko sa iisang kanta Mike Kosa Smugglaz J-SKEELZ Loonie lyricist all the way!!! kahit 17yrs na ako sa music industry pakiramdam ko palagi nagsisimula palang ang lahat. laging uhaw matuto. 🙌💯🔥"







Yorumlar
Yorum yazabilmek için giriş yapmalısınız.
Bilgi: Butona tıkladığınızda xloji güvenli giriş sayfasına yonlendirileceksiniz. Giriş yaptığınızda otomatik olarak bu sayfaya geri döneceksiniz. İlk giriste hoş geldin enerjisi tanımlanır.
Yorumlar yükleniyor...