di ko man masabi sa iyo ngayon
pero nakatingin ako
tuwing hindi ka nakatingin
ayoko lang na marinig pa ng iba
kasi maraming sasabihin
ayoko lang na mailang ka pa
di ko na kailangan pa umamin
basta alam mo lang
na andito ako
nasa likod mo lang
naghihintay sa'yo
kinikilig pasimple lang
andito ako
naghihintay lang sa'yo
kapag wala nang nakabantay sa atin
tsaka ko na lang aaminin
may tanong ako
pwede bang sagutin mo?
medyo kinakabahan
hindi sanay
ang puso sa ganito
na-in love ka na ba?
sa isang tulad kong
isang maginoo na simple
naghahanap ng binibini
wala naman na kailangan
pang sabihin
makuha ka na lang sa tingin
andito ako
nasa likod mo lang
naghihintay sa'yo
kinikilig pasimple lang
andito ako
naghihintay lang sa'yo
kapag wala nang nakabantay sa atin
tsaka ko na lang aaminin
ayoko na
nauunahan ng kaba
natatakot na nga
kasi baka may mauna pang iba
ako'y nangangamba
di ko na rin matansya
kung sasabihin ko na
andito ako
nasa likod mo lang
unti-unti nang
nahuhulog sa'yo
andito ako
nasa likod mo lang
naghihintay sa'yo
kinikilig pasimple lang
andito ako
naghihintay lang sa'yo
kapag wala nang nakabantay sa atin
tsaka ko na lang aaminin
tsaka na lang
tsaka ko na lang aaminin







Yorumlar
Yorum yazabilmek için giriş yapmalısınız.
Bilgi: Butona tıkladığınızda xloji güvenli giriş sayfasına yonlendirileceksiniz. Giriş yaptığınızda otomatik olarak bu sayfaya geri döneceksiniz. İlk giriste hoş geldin enerjisi tanımlanır.
Yorumlar yükleniyor...