Mm-mm, hey
Mm
Kapit nang kapit sa tala
Wala ring mahawakan sa mundo
Sadyang maraming nakaharang sa ating paligid
Hindi mawari kung sino ang tunay na umiibig
Kung sumilip ka lang sa'king nararamdaman
Alamin ang lihim na hindi mo pa alam
Aaminin ko naman
Sa halik idadaan
Kanlungan ko ay ang 'yong kamay
Palapit sa 'yong yakap
Palayo sa mundo
Tumatahimik ang isip
Tumatahan sa'yo
At kung 'di pa tama
Sa mata ng tadhana ay
Panalangin ang tangi kong alay
Mm, oh, mm
Bumabagal ang tao at paligid 'pag nadaan
Ka sa'king isip, pa'no pa kung sa harapan
Dati hindi ko maamin na kailangan
Nang ating pag-ibig ng konting paghahabol-habulan
Luhaan 'pag umiibig at nakipagtaguan
Ngunit kaya
'Pag ikaw lang kasama
Salita mong paikot-ikot, ngayo'y ipo-ipo na
Lumilihis na naman 'pag nagkita-kita na
Hindi nga tamang pabulong kong sabihin
Bigkas nang nararamdaman
Oh, kung sumilip ka lang sa'king nararamdaman
Alamin ang lihim na hindi mo pa alam
Aaminin ko naman
Sa halik idadaan
Kanlungan ko ay ang 'yong kamay
Palapit sa 'yong yakap
Palayo sa mundo
Tumatahimik ang isip
Tumatahan sa'yo
At kung 'di pa tama
Sa mata ng tadhana ay
Panalangin ang tangi kong alay
Palapit sa 'yong yakap
Palayo sa mundo
Tumatahimik ang isip
Tumatahan sa'yo
At kung 'di pa tama
Sa mata ng tadhana ay
Panalangin ang tangi kong alay
Alay, yeah
Ah, yeah, mm
Panalangin ang tangi kong alay







Yorumlar
Yorum yazabilmek için giriş yapmalısınız.
Bilgi: Butona tıkladığınızda xloji güvenli giriş sayfasına yonlendirileceksiniz. Giriş yaptığınızda otomatik olarak bu sayfaya geri döneceksiniz. İlk giriste hoş geldin enerjisi tanımlanır.
Yorumlar yükleniyor...