Tulala
Naka-nganga
na naman ah
sa sopa
Kapeng Barako
nama'y nag-mistulan nang
palamig ahhh
Ano ba talaga?
Sa'n ba 'to papunta?
Ba't ba dito 'ko dinala
Mali ata'ng tinuro ng mapa

'Di na malaman aking gagawin
Tila ako'y naliligaw na rin
Hindi ba kailangang may baliktarin
Ayokong sisihin ang aking sarili
'Di naman ako nagmamadali
Mahirapan man ako'y tatanggapin
Pinasasalamatan ko pa rin
Lahat ng ito'y may balik sa huli

Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan
Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan
Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan

Araw, Gabi
Pasok, Uwi
Alas siete
hanggang alas siete
kulang pa ng siete
para naman masuwerte
'Di bale nang minsan ay magkanda leche-leche
Mamaya magluluto 'ko ng eskabeche
Sasamahan ko pa ng nag-yeyelong pilsen
ta's tulog na bebe

'Di na malaman aking gagawin
Tila ako'y naliligaw na rin
Hindi ba kailangang may baliktarin
Ayokong sisihin ang aking sarili
'Di naman ako nagmamadali
Mahirapan man ako'y tatanggapin
Pinasasalamatan ko pa rin
lahat ng ito'y babalik

Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan
Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan
Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan

Bawat hakbang ay may halaga
Kala mo lang na palayo ka
sa tinakda mong destino na
ngayon ay 'di mo na matanaw
'Di man ngayon d'un dinadala
Alam kong doon din 'to papunta
Kaya walang kakaba-kaba
ako na 'to, 'di ba?

Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan
Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan
Umuusad
'Di man agad
Kinabukasan

Sample comments about this video

"Lahat ng kantang ginawa mo, Kuya Pau, gave so much impact to my life. Kumunoy, The boy who cried wolf, Wala, Puyat, Edsa at lalo na 'to. Grabe, as a graduating working student, feeling ko di ako umuusad especially sa financial stability kahit working naman ako. Thank you so much, Kuya Pau! Isa ka—kayo ng SB19 sa inspirasyon ko. Lagi kong pinagpapasalamat sa Lord ang buhay nyo. Alam kong di mo 'to mababasa kuya Pau but God knows how i prayed for your health and safety."

"Salamat Pablo, may paalala sa'kin na umuusad din naman pala ako kahit paunti unti❤"

"Umuusad , di man agad Kinabukasan. Para sa akin ito Pinuno:-("

"What a coincidence in my life, nakipagsapalaran ako sa San Pablo, Laguna para maghanap-buhay. I want change in my life kahit alam kong hindi man ngayon pero malay mo kinabukasan makausad rin. Tapos pasok ko 7am to 7pm. Everytime may solo release si pinuno palaging nakikipagsapalan ako sa malayong lugar like the ALON and LAON album. Grabe ka pins parang basang-basa mo kalukuwa ko."

"Hindi Lang to basta kanta yakap to Para sa mga taong pagod na sa Araw-araw na trabaho at buhay. Solid to!"

"USAD lang, hwag bibitaw gano man kahirap. Aayos din ang lahat."

"Thank you for the reminder. I won't be too hard on myself starting today. Kahit onti lang Yung spark, Basta may spark, go na! It's ok to take it slow, baby steps muna, dadating din ako dun!"

"Eto talaga ang inaabangan ko kay Pablo, yung unique at non-conventional niyang lyricism na laging tumatama sa tamang spot. Sa unang tingin, parang simple at madaling intindihin, pero the more you sit with it, the deeper it gets. Yung tipong mababaw lang pakinggan pero biglang mapapaisip ka, at hindi na maalis sa isip mo. That's Pablo's gift as a songwriter, he breathes life into every song through words that linger long after the music ends."

"Noon ang anthem ko para sa college life ko ay "Puyat". Palagi kong pinapatugtog pag nagpupuyat ako para sa mga school works kahit pagod na. Ngayon may panibago na naman akong anthem para magpatuloy. Thanks, Pablo!"

"And this is why we love Pablo. Bawat kanta parang obra maestra lahat"