Kung ang langit ay malapit lang
Maaari bang mabisita ka?
Imahe mo'y unti-unting nabubura
Ayoko na tuluyang malimutan ka

Kung ang langit ay malapit lang
Dadalhan ng paboritong bulaklak
Sapagkat ngiti mo ay limot kona
Sana ay muli pang masilayan ka

Kung ang langit ay malapit lang
Gusto sanang marinig ang boses mo
Sabay nating awitin ang paborito mo
'Di magsasawa na ulit-ulitin 'to

Kung ang langit ay malapit lang
Dadalhan ka ng mainit na kape
Katulad ng dati nating ginagawa
Nagkukuwentuhan lang hanggang sa mag gabi

Kung ang langit ay malapit lang
Manonood tayo ng pelikula
Iiyak, tatawa, at malulungkot
Kahit anong drama, ako'y kasama mo

Kung ang langit ay malapit lang
Araw-araw kang pupuntahan
Mahigpit na yakap ang sasalubong sa iyo
Kukuwentuhan kita ng buhay sa mundo

Sample comments about this video

"sa wakas na release rin! this song makes me scared about the future—well lahat naman tayo mawawala pero nakakatakot isipin na darating yung araw na hindi mo na maaalala yung boses ng mahal mo sa buhay dahil matagal mo na silang hindi nakasama. this is so gooddddd na iyak ko lahat ng kinikimkim ko🙁💗"

"Thank you for listening to “Langit.” 🤍 If this song reminded you of someone, tell me about them in the comments. I may not be able to reply to everyone, but I’ll read every single story. If you enjoyed the song, don’t forget to like, share, and subscribe. It truly helps more people find “Langit.” 🕊️"

"Unang narinig ko to habang nagmomotor ako. Naalala ko kaagad tatay ko. Umiiyak ako sa loob ng helmet haha. Haizt."

"Thank you, Kuya Dro. Nailabas ko lahat ng iyak na matagal ko nang kinikimkim. For the past few months, I've been in denial, convincing myself na okay na ako at hindi na gano'n kasakit, especially ngayon na magda-dalawang taon na simula nang kunin sila sa parehong araw, magkasunod pa ng oras—ang dalawa kong best friends. Hindi naging madali, lalo na't pitong taon kaming magkasama. Pero pinili ko pa ring lumaban at magpatuloy. Ang hirap lang kasi lagi kong iniiwasan ang umiyak at magluksa. Pakiramdam ko kasi kailangan kong maging okay agad para hindi ako mapag-iwanan ng mga tao sa paligid ko. Pero habang pinapakinggan ko ang kanta mo, finally, I allowed myself to be vulnerable. Nailabas ko lahat ng iyak na matagal ko nang kinikimkim. I'm praying that your song reaches more grieving hearts, just like it reached mine. Maraming salamat, Kuya Dro. I pray for the success of this song. I think I just found my new comfort song. Thank you so much.🥺🤍"

"Salamat sa musika mo sir Dro Perez. ❤️ Habang pinapakingan ko Biglang kong naiimagine ulit yung boses ng Tatay ko, yung mukha nya at bumabalik lahat ng masasayang memories kasama sya. Tatay ko 😭💔"

"Been listening to a part of this song even before it was released. I lost my Papa in 2019, then my Mama 10 months later. And just yesterday, I lost one of my closest friends. This song feels like a hug. It's exactly how I'd want to express what I'm feeling right now. 😭"

"Been waiting for this to release. Buti na lang lumabas ulit sa home ko. I don't know, but listening to this song will feel you like you want to cry. Hahaha Thank you for this beautiful song 🥺💖"

"FOUR YEARS!! Everyday pa din kitang naaalala Lolo:( I love you so muchhhh!!!!!"

"Yung lyrics neto napakasimple pero tagos na tagos. Salamat sa kanta na to. Nadali lahat ng gusto kong sabihin kay Papa. 🫂"

"Bagay na bagay na kanta for my nanay in heaven 😢😢😢 ❤ thank you sir 😊"