Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
Tinatanggi ko ang tadhana
Na kailangang mawala ka
Handa ako na ulitin
Sa'yo at aminin
Na wala ng iba makahihigit pa
Labat silang maganda tila magkakamukha
Walang papantay sayo, tunay kagandahan mo
Bakit iniwan mo ako?
May mali ba sa sarili ko?
Paano iisipin
'Di mo na 'ko kayang tanggapin
Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
'Di maintindihan nadarama
sarili ang kausap walang iba
Kailangan mo raw lumayo sa akin
wala ba tayong magagawa?
Kinalakihan nati'y iiba
Ako sa takot, ikaw sa awa
Taimtim ang pag-ibig
'Di sang-ayon ang paligid
Tinanggap ko nang wala ka na
Ginawa ko 'yon ng ilang taon
Nasasanay na 'kong mag-isa
May mga bagay na ang nakakaintindi
tayo lang dalawa
Walang iba
Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
Ang magtiwala muli
bakit ang hirap gawin?
Kahit pilitin ko
Kayanin ko
Harapin ang totoo
Na wala ka na
at wala ng iba
Makapapalit pa sa pangarap
nating habang buhay magkasama
Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin
Sample comments about this video
"Who's with me before this video gets 1M views? Grabe mga kanta ngayon pasakit ng pasakit"
"Pwede po bang parang "All too well" may storyline tapos 10 minutes version? Need ko to pag nagbabyahe ako or gusto kong tumulala! UTANG NA LOOB ACE 🥹"
"kung si ben&ben may 'reimagined' si Ace Banzuelo may 'Secret Verse'"
"Bakit sa tuwing naririnig 'ko itong "Muli" mo ace, nasasaktan ako? Matagal na pero yung sakit nandito pa din. Tama na ace, sobrang sakit na. 💔"
"Sorry bebiii, kung di ko man na punan yung pagmamahal na kailangan mo pero nilaban ko sa huli kahit alam kong wala na talaga at halos ilang beses ako mamatay."
"1:52 - 1:56 is probably my most favorite part of the secret verse. It reminds me gaano kami ka magkaiba. I stayed because takot ako mawala siya, while he stayed cause naawa siya sakin nd he knew kailangan ko siya."
"Before the song "MULTO" I had "MULI". Now it's been a decade and I still stuck here, hindi pa'rin makausad sa great taste white ko este sa minahal ko nung grade 6. Hirap talaga pag sineryoso ang mga pangako, nag try ako pero wala pa'rin ako maipalit sayo samantalang ikaw naka tatlo o apat kana, pero di ko pa'rin talaga maintindihan kung bakit ngayon gusto pa'rin kita. But after I send this comment, hopefully I completely get over you and start a new one."
"atp kailangan na po namin ng 10 minute version nito 🥲"
"lasang i would rather stay single for the rest of my life, than love someone who isn't you."
"Walang tayo, hindi naging tayo pero bakit yon ang nadarama ko sayo"


![เบิ้ล ปทุมราช - เบ้าหน้าฟ้าประทาน [ Official MV ] - เนื้อเพลง / Lyrics](https://xloji.com/media/sarkisozlerilyrics/2026/09/official-mv-setlqi.jpg)

![Hẹn em dưới pháo hoa | Ân Ngờ và Kphuong [Official MV] - Lời bài hát / Lyrics](https://xloji.com/media/sarkisozlerilyrics/2026/09/hen-em-duoi-phao-hoa-an-ngo-va-kphuong-official-mv-1qu1ri.jpg)


Yorumlar
Yorum yazabilmek için giriş yapmalısınız.
Bilgi: Butona tıkladığınızda xloji güvenli giriş sayfasına yonlendirileceksiniz. Giriş yaptığınızda otomatik olarak bu sayfaya geri döneceksiniz. İlk giriste hoş geldin enerjisi tanımlanır.
Yorumlar yükleniyor...